May 4, 2010

Anime/Japanese Titles with Filipino OSTs, Can You Remember?

I found a very interesting post about the anime/japanese shows in the 90’s where the songs were translated to Filipino language. I bet all the 90’s Filipino children can relate to these songs.
Can you help me guess all of them?
————————————————————————————————————————
1. Maglalakbay ako patungo sa kawalan
Upang hamunin ‘tong pangarap sa buhay
At susuungin ko itong kadiliman
Makita ko lang ang liwanag ng katarungan…
Chenchedenchenden cheden (then the logo shows up)

Or this?

2. Habang nabubuhay, manalig ka
Lagi kang may kasama, may kaibigan ka
At kung ikaw ay nalulungkot
Kung ikaw ay natatakot
Wala kang gagawin kundi ako’y tawagin…

Ako si ____
Sa bawat oras nariyan,
Tutulong sa nangangailangan
Ako’y maaasahan sa lahat ng bagay….

Hmmm, this one:

3. Kami’y narito asahan niyong magtatanggol
Makikipaglaban para sa kapayapaan
(chenchererererenchen cherereren chererererereeurrnn–)
Ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
(Sa magandang bukas)
Kung mayroong gumugulo ay wag mag-alala
Kami ang dakilang tagapagtanggol niyo sa lahat ng oras
Handa kaming tumulong
Ang aming mga kapangyarihan alay sa karapatan…

Kami’y narito asahan niyong magtatanggol
Makikipaglaban para sa kapayapaan at kaayusan
Kami’y asahan niyo hanggang sa dulo ng mundo.

How about this one:

4. Waksin niyo na ang iyong luha
Pilitin tawanan ang problema
Habang bata ay magsaya
Makulay ang mundo basta’t mangarap ka
Sa bawat pagsubok na makikita
Huwag mong hayaang madapa ka
Tibayan mo ang loob
Pagkatapos ng unos, ligaya ang dulot
Sadyang ganyan ang buhay, kailangang magsanay
Mapaglarong tadhana susubukin ang tibay
Kaya’t kumilos ka’t mag-isip, mag-aral
Magandang bukas, sa yo ay nakalaan…

Perhaps this one:

5. Sino nga ba siyang nakasuot pula
Hila ng mga usa
Puti ang balbas niya, siya’y mataba
Lahat ng bata’y naghihintay sa kanya
Namimigay siya ng mga regalo
Tuwing sasapit ang araw ng pasko
Mula sa araw na ito, maghihintay kami sa ‘yo
Saan ka ba nagmumula?
Sana doon kami kasama mo
Nais naming makita kung pa’no ginagawa
Mga regalong pinamimigay mo
Nais namin…
Laruan! Libro! Damit na pamasko!


This one please:

6. Ngunit hanggang kailan, hanggang kailan
Ito mananatiling panaginip
Sabik na ko, sabik na ko sa iyong
Yakap at halik…

And this one

7. Humayo ka kaibigang _____
Maglakbay kung saan mo man naisin
Anong (censored from the OBB)

—-ehh…
Sige ___, Humayo ka
Humayo ka’t maglakbay pawad
‘Wag kalilimutan kami…

Or this very special ‘tribute for moms’:

8. Aking ina, mahal kong ina
Pagmamahal mo aking ina
Yakap mo sa akin, hinahanap ko
Init ng pag-ibig, kumot ng bunso
Sa kita ng pagkakahimbing
Yakap mo ang gigising.

Try this:

9. ____, ____,
Anakpawis ka sa kabundukan
____, ____,
Tahanan mo ang kalikasan
Luntiang parang, nasisikatan ng gintong araw
____, ____, tahanan mo ang kabundukan

____, ____, (Endless ___ with yoodle tune)

Another one:

10. Nakita ko ang larawan mo
At muling nagbalik sa akin ang lahat
Ang malambing na tingin at ako
Ang nagbibigay ng musika sa mundo
Sinabi mo ako ang himig ng iyong byulin
Mga __ at rosas na ginto
At ikaw ang yugto ng aking daigdig
Kinulayan mo aking mundo, parang bahaghari
Lalalala….
Rosas na marikit, bigay sa iyo mahal
Lalalala…. (unintelligible lyrics…)

Next: (When I found this one, it’s not complete. So I have to make my brain work just to remember the lyrics! ugh!)

11. Kapag uminog na ang mundo
Iikot din ang buhay ng tao
May saya at mayroong dusa
Huwag lang tayong magpapatalo

Kung ikaw ay nag-iisa
Sa landas na iyong tinatahak
Huwag mawawalan ng pag-asa
Sa mithiing pakikibaka

Si __________ at __________, kambal ng tadhana
Di susuko sa pagsubok…

Kapag sumikat na ang buwan
Bago pa sumikat ang araw
Bagong pag-asa’y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw

Bagong pag-asa’y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw…


Songs above are from ABS-CBN’s anime siesta time cartoons!

Below are from different local channels I guess but I think there are two from ABS-CBN!

12. Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan n’yo na’y matatapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sa masama’y lilipol
________, kayo lang ang pag-asa
Iligtas kami sa rahas ng kadiliman
Kami’y inyong ipaglaban…

Sugod, sugod, laban ___________
Ipagsanggalang ninyo ang katarungan
Sugod, sugod, laban ___________
Ipagtanggol ninyo ang kapayapaan
Buong mundo’y nagpupuri’t nagpupugay, mabuhay!
Laser Squadron ___________


13. Ito ang mga bayaning tagapagtanggol
Walang takot
Sa bangis ng kalaba’y di umuurong
Matatag, tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwaran, Sa tungkuli’y tapat
Nakahandang mag-alay ng buhay
___________, tanod ng kapayapaan
___________, laging maasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan
Laser Squadron ___________


14. Tibay ng loob, tiwala sa sarili
Mga katangiang taglay
Katatagan,—-
Para sa payapang sandaigdigan
Ang busilak na kalooban
Lahat ng bagay makakamtan
Pagkat ito’y para sa kabutihan
(Pagibig)
Busilak na kalooban
Lahat ng bagay makakamtan
Pagka’t ito’y para sa kabutihan


15. Buksan mo ang puso
Awitin ang siphayo
Halina’t magsaya
Iwasan ang lungkot pag nababagot

Alam kong may nalalaman ka
Sa lihim ng ating panahon
Takbo, takbo magtago ka
Pagka’t matataya ka na

Natalo mo ako sa ating laro
Pagliko ko sa may puno
Nabihag mo ang aking puso
Bakit ngayon may siphayo
Bakit ako nagdurusa aking giliw
Wag mo akong saktan
Bakit ako nagdurusa aking giliw
Wag mo akong saktan


16. Ikaw ang lagi kong Hinahanap
Kasama kang lagi sa pangarap
Nais ko’y lagi kang nakikita
Marahil nga ay mahal kita

Liwanag ng buwan sa kalawakan
Hinahatid ka sa ‘king isipan
Pano ba kita makakausap
Ikaw sa akin ng lahat

Sana, bawat saglit laging kapiling ka
pag-ibig ko sana’y madama

Basta’t kasama kita sa pangarap
Nadarama’y wala ngang katulad
Ligayang ulot nito sa ‘king puso
Sana ay di na mag wakas
Sana ay di na mag wakas


17. Marami kang pangarap
Kasing taas ng langit
Kaya’t laking tuwa ko
nang ibulong mo na kasama ako

Hawak kamay kapit-bisig
Tayo nang habulin ang mga tala
Kasama kita kaya hindi ako mangangamba

Mapalad ang maging kaibigan mo
Nakaukit ang pagmamahal sa iyong puso
Kaya’t taimtim pangako gagawin kong lahat
para sa’yo


18. Alab ng Katarungan
ang pagmamahal sa ating kapwa
ang pag-ibig sa ating bayan
Handang ibuwis ang aking buhay


19. Bukas na kay ganda
Sa kwentong ubod ng saya
Paglalakbay namin sa mundong
aming narating

Bukas na kayganda
Mga mata’y imulat na
Upang makamtan ang ligaya


20. Bakit kay ganda kay siglang mundo
Kung ikaw ay bata pa
Magtampisaw ka sa tubig
Maglaro sa kalsada

Panoorin mo ang ikot ng mundo
Kung ikaw ay bata pa
————————————————————————————————————————
For me, I just know 4, 6, 8, 10, 11, 12, 13, and 16.
What’s yours? :D

source: http://hvid-noire.livejournal.com/14402.html

1 comment:

  1. nope, can't remember../


    By the way, have you ever heard about yummy-cebu.com? I hear they just started a new contest called Mama's day out!

    ReplyDelete